Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Luis super react: Jessy Mendiola nagpatakam ng alindog sa IG

0 262

“Aba aba aba!!!” ang reaksiyon ni Luis Manzano nang makita niya ng photo ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola sa Instagram.

Eh kasi naman, todo 2 piece bikini si Jessy, ha! To think na wala naman siya sa tabing dagat, o sa swimming pool kaya.

Ramdam na ramdam na nga ang pagkasabik ni Jessy na makapaglublob sa dagat. At siyempre, dapat ay si Luis ang kasama niya.

SM food to go Banner Ad

“Bikini at home. ‘Coz…. why not? Missing the beach so much!” sey ni Jessy na nilagyan pa ng emoticon na tawang-tawa.

Anyway, panay rin ang biro ng mga fan kay Luis, na kaya raw pala ‘Lucky’ ang ipinangalan sa kanya ng nanay niyang si Star for all Seasons at Congresswoman Vilma Santos-Recto, ay dahil talaga palang ‘lucky’ nga siya sa buhay, na bukod sa maganda na ang career niya, bongga ang negosyo niya, may dyowa pa siyang tulad ni Jessy, na bukod sa maganda, sikat, seksi, at kinatatakaman ng mga kalalakihan.

Ang lucky talaga ni Lucky, di ba? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.