Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Luis proud kay Ate Vi

0 1,024

RP

Isa si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos sa 11 kongresista na hindi sumang-ayon na i-deny ang application ng ABS-CBN para sa panibagong prangkisa

Sa kanyang panayam sa Teleradyo, sinabi nito na siya ay nagulat kung gaano kaunti ang sumuporta sa Kapamilya network, na batid nito ay marami naman silang kakampi para muling mag-operate ang ABS-CBN.

“Biglang, bakit kami kumonti ng ganito na lang? Very significant naman na bigla na lang kami naging 11. May mga ganyang palakad na kung minsan ay hindi natin basta matatanong o makikuwestiyon. Maski ako, hanggang ngayon, hindi ko ma-absorb, nahihirapan ako,” ayon pa sa actress turned politician.

SM food to go Banner Ad

Bigo mang mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN, wagi naman si Ate Vi sa puso ng kanyang anak na si Luis Manzano, na sinabing sobrang proud ito sa kanyang ina dahil sa hindi pagsuko sa network.

Si Luis ay isa sa mga maapektuhan ng pagsasara ng ABS-CBN bilang primyadong host ng nasabing network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.