Una sa Balita

Luis nakapili na ng singer sa kasal kay Jessy

By
0 31

Hindi pa man umaamin na sa kasalan na ang tuloy ng magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola ay may napusuan na ang I Can See Your Voice host na kumanta para sa kanilang kasal.

https://www.instagram.com/p/Bb_I_c8jjSJ/?hl=en&taken-by=senorita_jessy

Sa episode kasi noong Linggo (Nov. 26) ay namangha si Luis pati na ang mga SING-vestigators sa angking galing sa pagkanta ng secret songer na si ‘Sports Santiago’.  Talaga namang tinaasan ng balahibo ang lahat sa pag-awit niya ng The Last Time ni Eric Benet kaya naman napaluhod pa si Luis at sinabing huwag itong tumigil kumanta kahit natalo sa I Can See Your Voice.

Nakiusap pa si Luis na sana kumanta ito ng isa o dalawang kanta sa kanyang kasal (kay Jessy si­yempre). Kaya naman kahit hindi nanalo ay tila nagwagi pa rin si ‘Sports Santiago’ sa todo-puri na natanggap niya sa mga SING-vestigators at kay Luis.

Samantala, ang guest star naman na si Dingdong Avanzado ay sinuwerte rin nang mapili niya ang secret songer na si ‘Martin Nie-pera’ na isang tunay na SEE-nger.