Una sa Balita

Luis nag-init, super gigil sa kaseksihan ni Jessy

0 567

Patuloy sa pagpapainit ng social media si Jessy Mendiola sa pagbalandra nito ng kanyang kaseksihan. Parang kailan lang nung nag-post ang Kapamilya star ng kanyang bikini shot, pero ngayon nga ay mas detalyado ang kaseksihan ng aktres sa side view full shot ng kanyang two piece bikini.

Napapahiyaw sa init ang mga nakatunghay ng photo posting na ito ni Jessy kabilang na ang kapwa niya seksi at aktres na si Maxene Magalona.

Hindi lang ang maputing balat ni Jessy ang nagliliwanag sa araw, kundi ang magandang hubog ng kanyang katawan. Mula ulo hanggang paa, isang magandang tanawin si Jessy.

Kaya hindi kataka-taka kung palaging hot na hot, at palagi siyang pinanggigigilan ng kasintahang si Luis Manzano. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More