Luis Manzano minura ni @vilmaSRecto sa Twitter

0 1,443

Isa nga si Luis Manzano sa pinagdiskitahan ng mga supporter ni President Duterte. Na ipinagtataka nga niya, dahil wala nga raw siyang nai-tweet na tungkol sa Pangulo.

“Please let me know ano sa mga tweets ko ang political or partisan. I’ll wait!” sabi ni Luis.

Anyway, kay Luis din idinaan ng ibang supporter ni President Duterte ang galit nila sa ibang mga kapwa artista ni Luis na naglabas ng galit dahil sa naging mensahe ng Pangulo nitong nakalipas na gabi.

“Ang iingay ng mga kasama mong artistang hindi naman nakapag-aral. Bandwagoners. Pa woke. Pinoise!” sabi ni @pamsaidwhat.

At sagot naman ni Luis; “Hindi kelangan na makapag-aral para may paninindigan o opinion, wag bobo.”

Pero, ang ikinabaliw ng lahat ay ang pagtatalo nila ng isang Twitter account (@vilmaSRecto), na ang photo ay larawan nga ng nanay niyang si Cong. Vilma Santos.

Kaloka nga ang mga tweet ni @vilmaSRecto ha.

“Eh put@#$ ina ka! Hindi ka namin pinalaki ni Edu para mag-rant sa socmed? Ur using everything to stage something just to maximize the likes in ur socmed. Nagiging altruistic ka lang anak!”

Oh, di ba? Kung bago-bago ka sa Twitter, o wala kang alam, siguradong sasakay ka, maniniwala ka na oo, nag-aaway nga sina Luis at Vilma.

May kasunod pang tweet si @vilmaSRecto na; “Anak hindi kita pinalaki ng ganiyan para manghamak ng tao. Si Edu Manzano hindi ganyan!”

Wow, di ba? Parang true na true.

Kaya si Luis, nag-report na at gusto ngang ipatsugi na ang Twitter account na `yon.

“On the note, please report this account @vilmaSRecto whether ano pa politics mo, fake news ay fake news,” sabi ni Luis.

Well, kung sino ka man na gumagamit ng pangalan ni Ate Vi, stop na, mahiya ka naman, dahil mag-ina pa ang gusto mong wasakin ang relasyon!

Mga fan todo react sa pananakit ni Joseph Marco kay Yam Concepcion

Tutok na tutok ang mga manonood sa kakaibang kwento ng pag-ibig nina Yam Concepcion at Joseph Marco bilang mag-asawang hiwalay sa “Uncoupling” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Nakakaintriga ang istorya dahil kahit hiwalay na sina Alex (Yam) at Carlo (Joseph), nakatira pa rin sila sa iisang bubong para sa kanilang anak na si Chayi. Kakaiba talaga, dahil may bagong girlfriend na nga ang karakter ni Joseph at nawi-witness ito ni Yam, kaya’t nasasaktan pati ang netizens at umaasang magkakabalikan pa ang dalawa.

Dahil sa ibang klaseng istorya at effective acting nina Yam at Joseph, bumuhos din ang positive comments on social media.

“Ang sakit ng #Uncoupling. Bakit @josephCmarco,” ang tweet ni @chillkalanggud of Twitter.

Pareho rin ang feels ni @backtobashiec sa tweet niyang, “Grabe yung #Uncoupling ang sakit sakit!”

“A must watch. A different kind of family tackled delicately. If only all kids can be like Chayi,” aniya naman ni Marvin Liza of YouTube.

Umaasa naman si Ira Domingo of YouTube na magkakabalikan pa sina Alex at Carlo. Aniya, “Nakakakiligggg omg!!! Sana sila na talaga hanggang sa huliii.”

“I’m officially a fan of Yam Concepcion—an intelligent actress. #Uncoupling is fun and interesting,” kumento naman ng Twitter user na si @PerciCen.

Mapapanood naman ang lahat ng episodes of “Uncoupling” for free sa iWant.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...