Una sa Balita

Luis magagandang anak ang ibibigay kay Jessy

0 108

Kakatuwa talaga si Luis Manzano, noh! Kahit seryosong tsikahan ay nagagawa pa rin nitong comedy ang dating, kahit mukhang seryoso siya.

Sa nakaraang episode ng Tonight With Boy Abunda, napag-usapan ang plano nila ni Jessy Mendiola. Kung sila ba ay susunod na sa yapak ng BFF ni Luis na si Anne Curtis-Heussaff?

May mga pahapyaw na ang binata ni Cong. Vilma Santos, pero wala pang definite admission kung magpapakasal na nga sila next year o sa mga susunod pang taon.

Sa parte kung saan ay nagbigay siya ng sample kung paano siya magpo-propose kay Jessy kung sakaling yayain na nga niya itong magpakasal, dito na lumabas ang kanyang pagkakomedyante.

“To be honest, I pro­mise you a lot of things.

“If we are going to take that plunge which are already talking about, and to some degree we’re planning.

“But to be honest, ang pangako ko sa’yo ay magandang lahi. ‘Yun ang promise ko sa’yo. Du’n pa lang wala na ka nang problema.

“Ako na ang bahala dun, kid,” patawa-tawang­ sabi ni Luis kay Jessy.

Tuwang-tuwa naman si Jessy dahil kahit papaano ay mayroon na ngang assurance na magiging Mrs. Manzano na siya one of these days.

Well, and good! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy