Una sa Balita

Luis, Jessy sa Korea nag-prenup pictorial?

0 636

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMalamig at nag­yeyelo sa Korea pero nag-init ang paligid dahil sa lambingan nina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Napuno ang Insta­gram ni Luis ng mga photo nila ni Jessy na magkadikit ang kanilang mga mukha at tila nagtutukaan.

Para nga silang mga Korean star na nagsyusyu­ting nu’ng mga oras na ‘yon.

Fun shot ang tawag ni Jessy sa mga larawan nila ni Luis. Pero para ngang isang prenup ang eksena ng dalawa lalo’t punung-puno talaga sila ng katamisan.

Anyway, kahit inuulan ng mga tanong mula sa kani-kanilang mga followers kung kelan ang kasal, dedma lang sina Luis at Jessy.

***

Lea emosyonal sa huling Broadway performance

Dalawang performances na lang ng “Once on This Island” matatapos na ang trabaho ni Lea Salonga sa Broadway arena.

Ayon kay Lea, maikli lang ang panahon ng kanyang appearance sa buong production pero maraming blessings ang dumating sa kanya dahil dito.

“Two more performances as this goddess of love. What a blessing it has been to step into her shoes again, even for a such a short time. Must bid her farewell for good, and it will not be easy, but it must be done,” sabi ni Lea.

***

KC tinupad ang b-day wish ni Sharon

Natupad ang pangarap ni Sharon Cuneta na makumpleto ang kanyang mga anak sa kanyang ika-52nd kaarawan nu’ng January 6. Nasa Pilipinas nga kasi ang pa­nganay niyang si KC Concepcion.

Mapapanood nga sa Instagram ni Sharon ang mga vi­deo at photo ng bonding nila ni KC, kasama sina Frankie, Miel, Miguel, at Sen Kiko Pangilinan.

Instant b-day celebration ang nangyari last Sunday dahil nagsalo-salo lang sila sa mga inorder na pagkain.

Wala nang mahihi­ling pa si Sharon sa kanyang estado ngayon. Malulusog at malalambing ang kanyang mga anak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy