Una sa Balita

LUIS AT JESSY, ‘LOVEBIRDS’ SA JAPAN!

By
0 64

Hindi namin masyadong nakatsikahan si Luis Manzano sa press visit sa taping ng The Voice Teens.

Mas nauna kasing isinalang sa interview ang mga coaches na sina Bamboo, Lea Salonga, Sarah Geronimo at Sharon Cuneta.

Na-interview rin namin si Toni Gonzaga bago `yon, at nagkataon lang na dumaan si Luis, kaya natanong lang namin ang binata ni Cong. Vilma Santos kung ano ang masasabi niya na gusto na raw magkaapo ng mommy niya.

Nu’ng pinasyalan namin si Ate Vi sa Congress kamakailan, nasabi nga niyang gusto na niyang magka-apo, dahil sa ngayon, ay puro dogs daw ang ‘alaga’ nila ni Sen. Ralph Recto.

Nag-usap na raw sila ni Luis tungkol doon. At nu’ng natanong nga namin si Luis, ito lang ang sagot niya…

“Sa tamang panahon…”
Pero siyempre, kapag kasal na, doon lang daw magaganap ang pagbi-baby.

“Yeah, pakakasal muna…” sey lang niya.

After that, ipinakita na ni Luis sa akin ang mga private messages sa kanya ng mga bashers niya, na yes, pinapalagan talaga, at hindi inaatrasan ni Luis.

“Duwag naman sila. Pag pinatulan mo na, big­lang naduduwag!” sabi lang ni Luis.

Mababasa mo nga ang mga chat kay Luis na hinahamon talaga siya, at kung anu-ano ang tinatawag sa kanya. Pero, kapag nag-reply na si Luis sa kanila, bigla na lang mananahimik.

Kumbaga, kung asaran lang ang labanan, hindi talaga matatalo si Luis.

Anyway, base sa post ni Jessy Mendiola, nasa Japan pa rin sila ni Luis ngayon.

Sa latest photo nila ni Luis na kung saan ay nagbi-breakfast sila (sa hotel sa part ng Osaka), emoticon na red heart lang ang nilagay niya.

Pero bago ‘yon, nag-post muna siya ng photo ni Luis na nasa kalsada at kumakain ng ice cream sa tabi ng maraming tao.

“Ang tanging kilala kong kahit malamig kumakain pa din ng ice cream,” say lang ni Jessy sa photo ni Luis na ‘yon.

Sa mga nabasa kong comments sa photos nila, mukhang positibo na ang tingin ng mga fans sa relasyon nila. Relationship goals na nga raw ang dating nila, at nakakakilig na rin daw ang mga ‘lovebirds’ in Japan.

Anyway, bet ko rin ang pagiging observant ng mga fans sa social media.

Sa suot kasing t-shirt ni Jessy, makikita ang mga photos ni Wonderwoman.

At nga­yong mainit pa rin ang usapan tungkol sa Darna, sa kung sino ang karapat-dapat, may mga nag-iisip pa rin na kasali pa rin ang dalaga sa labanan.

Baka nga raw may pahiwatig ang suot na ‘t-shirt’ na `yon ni Jessy na super-heroine ang peg. Malay mo nga naman…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy