Una sa Balita

Luis, Jessy hindi totoong nagpapasarap sa isla

0 871

Pinagsabihan si Luis Manzano ng isa niyang follower matapos nitong iposte ang larawan nila ng kasintahang si Jessy Mendiola. Ang larawan ay kuha sa isang resort at nagpapakita ng pagmamahalan nila.

Hindi nagustuhan ng isang follower nito ang photo na wala namang anumang malisya, at sinabi kay Luis na tigilan ang pagpu-post ng ganitong klase ng larawan.

@vevi_got_back, “Ser Luis, sana po wag muna kayo post ng mga ganito pics, during this time lng po. Parang nakikisimpatya na rin po sa mga nangyayari. Pasensya n Ser.”

Agad namang tumugon si Luis sa kalmadong timpla.

“@vevi_got_back – bro, throwback to,” sagot ni Luis.

Ang pinoste ni Luis ay lumang larawan nila ni Jessy na kuha sa bakasyon nila, sa isang resort Island isa o ilang buwan bago ang lockdown.

Inakala siguro ng follower na kasalukuyang nasa isla ang dalawa at doon ay nagpapakasaya samantalang nagsasakripisyo ang marami sa Luzon dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.

Hindi na pinatulan pa ni Luis ang lalaki, bagkus, ang mga follower ng Kapamilya host ang kumuyog sa naturang fan.

***

Willie tumulong sa mga mangyan sa Galera

Hindi natutulog si Willie Revillame sa panahon na marami ang nangangailangan. Ang paramdam ni Kris Aquino sa isang follower niya na nanghingi ng tulong para sa mga katutubong mangyan ang patunay.

Sa post ni Kris ng close-up photo ng anak na si Joshua, isang supporter niya ang nakiusap na sana ay mabigyan ng tulong o relief goods ang mga Mangyan ng isla.

@donameymey, “Ms @krisaquino sana maabutan din po ung mga katutubong mangyan jan. gbu ang keep safe.”

Sinagot naman ito ni Kris at sinabing si Willie ang nag-alaga sa mga ito.

“@donameymey. I think Willie took care of them,” sabi ni Kris.

Sa isla ng Puerto Galera inabutan si Kris at ang dalawa nyang anak na sina Bimby at Joshua ng enhance community quarantine.

***

Angelica ginawan ng paraan ang

pagpapadede sa anak ng driver

Naga-alala si Angelica Panganiban sa kanyang driver na nagpapasaklolo dahil sa kawalan nito ng paraang makalabas ng bahay.

Sa tweet ng Kapamilya actress, ibinahagi ni Angelica ang pagkataranta at awa niya sa kanyang driver na naga-alala sa kanyang pamilya.

Sa tweet, mababasa ang pagkapilay ng aktres na masaklolohan ang kanyang driver.

“Nakakaawa to! Pero yung driver ko, problemado na sa qc, (di sila talaga pinalalabas ng bahay nila. Wala na daw gatas yung anak nila. (wala naman supply na nabibigay sa kanila. D ko rin alam pano sya mapapadalan ng pagkain dun,” sabi ni Angelica.

Nakahinga naman na nang maluwag si Angelica nang may tumugon at nag-advice sa kanyang may mga grab delivery na puwede nyang padalhan ng pagkain para sa driver.

“Salamat. Nakapadala na ko ng makakain nila.”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More