Una sa Balita

Jake V. gusto nang makaharap ni John E.

By
0 1,097

 

Isa na namang multi-talented at versatile actor ang naging certified Kapuso — si John Estrada. During his contract signing, all smiles nitong sinabi na masaya siya dahil opisyal na siyang parte ng GMA family.

Handa na raw siya uli na i-challenge ang sarili sa mga roles na ibibigay ng Network. Excited na siyang makatrabaho ang mga Kapuso stars tulad ng mga kaibigan niyang sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pinagmalaki rin ni John na hanga siya sa mga world-class shows na pino-produce ng GMA 7 lalo pa at tine-test nito ang versatility ng isang aktor.

Pero mas looking forward daw si John na makatrabaho ang kanyang anak na si Inah de Belen. Biro pa nga nito ay gusto na rin daw niyang makilala si Jake Vargas, na boyfriend ng anak. Naku, ano naman ang masasabi niyo dito, Inah and Jake?

***    

The Cure pang-world class ang effects

 

Hindi na talaga mapigilan ang pagkalat ng infection na dinala ng pinakabagong primetime series ng GMA na The Cure. After nitong magsimula last Monday, hindi na nga maikakaila na isa ito sa pinag-uusapang topic online.

Saan man kasi kami tumingin — sa Twitter, Facebook o Instagram, trending ito at puring-puri ng netizens.

Ayon sa mga comments na nabasa namin, pang-world class talaga ang husay ng mga effects ng show. Hindi rin daw biro ang set na ginawa para dito dahil parang totoong magulo at mabigat ang bawat eksena. Siyempre, hindi rin nawala ang mga papuri sa mga bida nitong sina Jennylyn Mercado bilang si Charity at Tom Rodriguez bilang Greg. As always, hindi talaga matatawaran ang husay ng mga ito kaya naman deserve na deserve nila ang pasabog na ito ng GMA.