Una sa Balita

Luis ikinumpara ni Vilma sa siopao

By
0 1,429

Bagay na bagay sa nalalapit na okasyon, ang Mother’s Day, ang mag-inang Vilma Santos at Luis Manzano na nakikita ngayon ng netizen kung paano sila bilang magnanay.

Nag-open na ng kanyang Instagram account ang Governor ng Batangas at Star for all Seasons na si Ate Vi at winelcome nga ito ni Luis at in-advertize na rin na i-follow na ang mommy niya sa IG.

Lumalabas, tila si Luis ang nagturo sa mommy niya kung paano mag-IG at ang una nga raw nitong itinuro sa ina ay throwback at picture nilang dalawa na bata pa si Luis.

Kaya throwback nga ang second entry ni Ate Vi sa IG niya na picture ni Luis noong baby ito. Proud niyang sinabi na “Nga pala son, I know na how to hashtag” Aliw ang hashtag niya na #ViLucky. Pinagsamang pa­ngalan nila ng anak.

Kung makulit ang anak, hindi rin nagpatalo ang nanay, makikita na rin ang kakulitan niya sa dalawang entry pa lang. Sey nga niya, “Anak, look oh, ang cute-cute mo talaga nung baby ka parang siopao!”

Two days pa lang sa Instagram si Ate Vi pero kulang-kulang 10, 000 na ang followers niya.

***

Janella nag-wish na mapangasawa si Elmo

Hindi man pinangalanan ni Janella Salvador kung sino ang sabi niya, “sana soul mate na nga niya,” sa presscon ng bagong movie niya sa Regal Films, ang So Connected, very give-away na rin naman ang mga naging sagot niya.

When asked kasi about soul mate bilang ang title nga ng movie na ipapalabas na sa May 23 ay So Connected, sinagot niya ito na sana nga raw nakita na niyang talaga si soulmate.

Nag-follow-up kami ng tanong sa sagot ni Janella kung bakit niya nasabing sana ay ‘yun na nga ang soulmate niya o kung ano ang connection na meron sila.

Pero iwas siya sa pagsagot bigla at sinabing “Puwede ba siyang pag-usapan dito?” sa kabila nang wala rin namang kaming binanggit na pangalan.

Siyempre, halos lahat, in-assume na ang ka-loveteam at rumored boyfriend na si Elmo Magalona na nga ang posibleng tinutukoy niya.

Understandable rin naman na ayaw munang pag-usapan ni Janella si Elmo o anumang personal na namamagitan sa kanila bilang respeto na rin sa leading man niya ngayon sa movie na si Jameson Blake. Na in fairness ha, mukhang may chemistry rin sila. Eh, hayun at pareho rin nilang inamin na nakakatanggap sila ng pangba-bash dahil nga iba ang partner nilang pareho ngayon.

Nakiusap si Janella, lalo na sa mga fan nila ni Elmo na ‘wag itong gawin at suportahan sana silang pareho ni Elmo na may kanya-kanyang individual projects na iba ang mga kapareha nila. Opportunity na rin nga naman ‘yun para sa kanila na may makatrabaho rin na ibang mga artista.