Una sa Balita

Luis ayaw nang makasama si Angel kaya tumanggi sa PGT

By
0 12

Lungkot-lungkotan ngayon ang mga faney ni Luis Manzano lalo na ang mga followers ng Pilipinas Got Talent dahil tumanggi na itong mag-host sa panibagong season ng reality show na ito sa ABS CBN.

https://www.instagram.com/p/Bbglz2eDxl2/?hl=en&taken-by=senorita_jessy

Ayon sa chika ni Luis, si Toni Gonzaga raw ang papalit sa kanya pagkatapos ng limang taon niyang paghu-host nito kasama ang kanyang partner na si Billy Crawford.

Ayon naman kay Luis, nagdesisyon siya na huwag na munang mag-host para sa PGT new season para na rin sa ikakabuti ng nasabing show. Ipinagmamalaki rin niya na si Toni ang kapalit niya, at may dala itong kakaibang flavor sa show.

Ganun lang kasimple ang kanyang paliwanag, pero ang netizens ay nagtatanong kung meron pa bang mas malalim na dahilan kaya ito ang naging desisyon niya.

May nagsasabi nga raw na baka ang dahilan ay ang dati niyang dyowang si Angel Locsin na isa pa rin sa mga hurado sa taong ito.

May kinalaman ba si Jessy Mendiola sa desisyon niyang ito? Baka iwas-selos lang ang eksena niya dahil ang ayos-ayos ng relasyon nilang dalawa ngayon ng aktres.

Pero, may Neil Arce naman si Angel para nga raw pagselosan pa ni Jessy si Angel.

Anyway, nag-iikutan lang naman sa kanilang tatlo nina Billy, at Toni ang paghu-host ng malalaking show sa Kapamilya network, kaya hindi nakapagtataka na sa susunod na season ay siya uli ang makikita.

Oo nga naman!