Una sa Balita

Luis ampalaya sa Alex-Mikee engagement

0 544

Sa magtotropa, hindi talaga mawawala ‘yung mga kontrabida o ‘di kaya malakas mambasag ng moment.

Para sa mga netizen, isang malupit na halimbawa niyan ay ang pagkakaibigan nina Alex Gonzaga at Luis Manzano.

Sa halos lahat o bawat post nilang dalawa sa kanilang social media ay palaging may isang eepal, at madalas nga ay si Luis ‘yung kumukontra o nanti-trip sa mga post ni Alex.

Ngayon, pinaka-latest na bumenta sa mga netizen ay ‘yong comment ni Luis sa eksena kung saan lumuhod na si Mikee sa harap ni Alex upang mag-propose.

“Baka nagtali lang ng sintas, tapos biglaan ganyan reaction mo kaya na pressure? Yun lang naman akin,” hirit ni Luis.

Marami ang sobrang natawa sa makulit na comment ni Luis pero marami din ang nairita sa sinabi ng host-actor.

Wala anila sa lugar ang comment ni Luis dahil kilig moment na ‘yon ng couple at hindi na dapat pang kinokontra.

Sa hindi pagkatuwa ng ilang netizen sa comment ni Luis, sinabihan pa itong bitter, na kesyo naunahan pa silang dalawa ng dyowang si Jessy Mendiola.

Anyway, bukod pa kay Luis na sinasabi nilang “kontrabida”, mayroon ding mga netizen na may kontra-comment din sa naganap na proposal ni Mikee kay Alex.

Pinag-isipan ng ilang netizen na baka kaya nag-propose na si Mikee kay Alex ay dahil buntis na ito.

Binase ‘yan ng mga netizen sa isang IG story na ibinahagi ni Alex kung saan makikitang nakahawak silang dalawa ng kanyang kaibigan sa tiyan at ipinakikita ang hulma o laki ng kanilang tiyan.

Agad binigyang-malisya ito ng mga fan at sinabing maaaring buntis nga ang vlogger-actress.

Pero knowing Alex na ‘kalog’, kita naman sa picture na pilit na pilit ang laki ng tiyan, para ipakita na busog sila ng kaibigan niya. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More