Una sa Balita

Lugar na pang-Instagram Palawan kinabog ang Cairo, Berlin, Seoul

0 508

Ilan lamang ang Cairo sa Egypt, Berlin sa Germany, at Seoul sa South Korea sa mga naungusang tourist spot ng Palawan sa ‘50 Most Instagrammable Places’ list ngayong 2020.

Pang-36 sa listahan ng Big 7 Travel ang Philippine getaway place, kumpara sa 50th spot ng Cairo, 45th ng Berlin, at 41st ng Seoul.

“A piece of paradise­ that’s miles away from the hectic bustle of Manila, Palawan is simply­ perfect,” sabi ng travel site tungkol sa Palawan.­

Nanguna sa listahan­ ngayong taon ang Sydney, Australia kahit pa tuloy-tuloy ang bushfire crisis doon, na sinundan ng Hong Kong, at Dubai sa United Arab Emirates. (RC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More