Una sa Balita

Ludovice pasiklab sa Davao Cocolife

0 257

IPINAMALAS ng Davao Cocolife Tigers ang pagi-ging champion caliber nito matapos pasukuin ang Caloocan Supremos 76-69 sa pagpapatuloy ng 2019-2020 MPBL Lakan Cup Season 3 elimination round kamakailan sa Marist Gym sa Marikina City.

Nagpasiklab ang bagong hugot na shooting guard na si Yvan Ludovice sa pagtikada nito ng 10 puntos sa second half upang ayudahan ang reig-ning MPBL Datu Cup Southern Division champion Tigers sa ikalawang sunod na panalo (2-0).

Maagang nagpakitang-gilas ang Supremos sa pagkamada ng double digit na bentahe sa unang yugto at nanatiling kontrolado ang laro sa kaagahan ng third tampok ang mga humahaginit na tres at perimeter shooting ni Caloocan spitfire Allmond Vosotros.

Tinapatan ng mga beterano ng Davao Cocolife ang mainit na opensa ng kalaban sa ikatlong kanto pero nag-aalab pa rin ang tropang Caloocan hanggang sa ilatag na ni Tigers coach Don Dulay ang pamoso nitong nagbabagang depensa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy