Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lucy Torres palaban sa Senado

0 118

Kinumpirma ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na tatakbo ang misis nitong si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez sa Senado sa 2022 election.

“Yes, Lucy will,” sabi ni Goma nang uriratin ang plano nilang mag-asawa sa politika nina Ina Andolong at Michael Fajatin sa Politiskoop online show kahapon.

Gayunman ay nakadepende rin aniya ang kanyang desisyon sa pagtakbo sa national post o sa Senado kung maganda ang magiging resulta ng mga survey.

Sakali naman na hindi mapili ng administrasyon o mahina sa national survey ay sa pagka-alkalde ng Ormoc siya muling tatakbo, o palit puwesto sila ng asawa, ayon kay Goma.

“Pero pinag-iisipan niya (Lucy) kung maganda at tuloy-tuloy na ang magandang ipinapakita sa survey, she has inte­rest to run for national post sa senado,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Goma na gustong tumakbo ni Lucy sa ilalim ng Duterte administration ticket.

SM food to go Banner Ad

“Definitely, she want to run sa admin nasa administration ang partido namin, pero if not chosen she will not force the issue and stay in Ormoc,” sabi nito.

Sakaling sumabak sa Senado si Lucy ay si Goma naman ang tatakbo sa iiwanang posisyon ng kanyang asawa sa Kongreso.

Si Lucy ay nakaapat na term na bilang kongresista.

Para naman kay Goma, wala siyang balak na tumakbo sa pag-ka-senador, dahil marami pa umanong gagawin sa lokal na posisyon at gusto niyang tutukan ito.

“I will go to Congress,” sabi naman ni Goma.

Itutulak umano niya ang kampanya laban sa droga at peace and order na siyang matagal na niyang adbokasiya. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.