Una sa Balita

Lucy humirit ng 8 pang anak kay Goma

0 343

Nangangarap ng walo pang anak si Ormoc Representative Lucy Torres-Gomez.

Nag-post si Lucy sa kanyang Instagram ng larawan ng kanyang unica hija na si Juliana Gomez at sa kanyang mensahe para sa 19th birthday nito, pinuri niya ang katangian ng kanyang anak.

Sa caption, lumabas na napakabait na anak ni Juliana. Dagdag pang nagdudulot ito ng kasiyahan sa lahat ng mga taong nasa paligid niya.

Itinuturing ni Lucy na napakasuwerte niya sa pagkakaroon ng anak na gaya ni Juliana na maituturing niyang best friend at influence sa maraming bagay gaya ng makeup.

Ipinagpapasalamat ni Lucy sa Diyos na biniyayaan siya ng isang gaya ni Juliana na pawang pagmamahal ang ipinaparamdam sa kanila ng mister niyang si Ormoc Mayor Richard Gomez.

“If God granted us the chance to have yet another child dad and I would ask for 8 more just like you,” sabi ni Lucy.

May kakayahan pa nga na magbuntis si Lucy.

Samantala, isa ring punong-puno ng pag-ibig at pagmamahal sa kanyang anak na si Juliana ang pinost ni Mayor Richard sa kanyang Instagram. Hindi raw siya makapaniwala na may 19-year-old na siyang anak.

Anne paborito ng mga sikat na designer sa Middle East

Malakas ang power at karisma ni Anne Curtis sa mga fashion designer na nakatrabaho niya sa maraming special events sa kanyang buhay dahil nagawa niyang pagsamahin ang mga bigatin at world-class Pinoy fashion designer sa Middle East.

Sa kanyang Instagram ay makikita si Anne na kasama niya sina Michael Cinco, Furne Amato at Ezra. Ang mga nasabing Pinoy pride ay mga certified A-list international designers ng mga sikat na personalidad sa buong mundo, sa larangan ng showbiz, politics, business at royalties.

Sobrang hectic ng schedule ng mga in-demand designer na makikita sa photo ni Anne sa IG, pero nagawa niyang pagsamahin ang tatlo para sa isang meet-up. Si Anne lang yata ang nakagawa na pagsamahin ang mga ito, ha!

Anyway, malapit na ang ABS-CBN Ball at tinatanong ng mga fan si Anne kung alin sa mga nasabing designer ang gagawa ng isusuot nito sa okasyon.

Mga magagandang nanay magsasagupa sa ‘Pinas

Sa halip na sa local candidates magsimula ang bagong tatag na “Respect Noble Queen of the Universe Ltd. Inc.”, sa international magku-concentrate ang bumubuo ng nabanggit na pageant team.

Ang RNQU ay binubuo ng mga Pinoy na sina Ms. Eriline Noche-Tumali, Ms. Dursula Ito, Ms. Lovely Gervacio Tan, Ms. Emarie Tabernilla Atienza at Atty. Francisco Cabochan.

‘Beauty with a noble cause’ ang focus ng pageant na ang mga kandidata ay pawang mga mother (single, married, divorced, annulled) mula 35 years old pataas.

Requirements sa pageant ang advocacy at mga charitable work na kinabibilangan ng mga kandidata.

Maganda ang layunin ng pageant na i-highlight ang advocacy ng mga mature women sa kani-kanilang mga bansa, at irespeto sa kanilang mga noble deed.

Sa halip na swimsuit, sports wear ang ipapasuot sa mga kandidata sa isang category. Mahigit sa 30 candidate ang lalahok sa kumpetisyon mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ayon kay Ms. Tumali, meron na silang 15 candidates na nagpa-register para sa kumpetisyon na nagmula sa Asia, Europe, Latin countries at iba pa.

Hinihintay pa nila ang representative ng Pilipinas. Ngayong December gagawin ang pageant at lahat ng kandidata ay titira sa Manila Hotel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy