Una sa Balita

Lucky Laura aasa sa swerte

0 274

MAKIKILATIS ngayong gabi ang 10 tigasing bagitong kabayo paglarga ng 2019 PHILRACOM “Two-Year-Old Maiden Race” na pasisibatin sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

May walong numero lang pero naging 10 ang tatakbo dahil sa dalawang coupled-entries.

Inaasahang magiging markado sina Lucky Laura, Four Strong Wind at Alonzo Hall sa event na may distansyang 1,400 metro.

Ang ibang kalahok ay sina Correct Ka Dyan, Dream Team, magkakamping Cambari Island at Mount Arayat, Red White And Blue at magkakuwadrang Leather Touch at Greatest Joy.

Nakalaan ang karagdagang P10,000 na premyo sa unang kabayong tatawid sa meta, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Samantala, sasalang naman si Cleave Ridge sa Group Race category 11 kung saan makakaharap niya ang lima pang tigasing kabayo.

Makikipgatagisan ng bilis sa 1,200-meter race sina Tonador Sprinter, Superlative, Real Steel, Sabtang Island at Airborne Magic. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy