Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Lucky charm ko si Abby – Jomari Yllana

0 109

Ang sweet ni Abby Viduya kay Jomari Yllana, ha!

Sa chikahan kay Jomari ng media, makikitang katabi, at nagbabantay lang si Abby sa tabi ni Jomari.

At yes, sabi nga ni Jomari, sobrang espesyal naman talaga sa puso niya si Abby.

“Si Abby napaka-espesyal niya sa akin. Ang ending, kami rin pala.

“Si Abby very supportive sa lahat ng ginagawa ko. Lucky charm ko siya.

“Mula noong nagsama kami uli, maraming naituwid na tama sa buhay ko. Isa siya sa mga taong nagbibigay sa akin ng inspirasyon. Malaking pasalamat ko sa kanya, sa support, sa mga ginagawa ko, lalo na sa public service,” sabi ni Jomari.

Natanong na rin si Abby kung ano nga ang suporta niya kay Jomari, lalo na ngayon na tumatakbo itong konsehal sa Paranaque City. Bale ikatlong term na ni Jomari bilang konsehal, at marami nga ang nagsasabi na sure winner na siya, lalo na at marami naman siyang naibigay na tulong sa mga constituents niya.

“I’m here for him. If he needs anything, nandito lang ako for him kung ano ang kailangan niya. Mostly napu-provide ko sa kanya ay inspiration. It goes both ways, pareho kami, inspiration ko rin siya.

“Together we make each other stronger. We can face anything. Ganun ang love namin for each other.

“Mutual respect and understanding.

“Akalain mo, sa huli kami rin pala ni Jomari. Hahahaha!” natatawang chika naman ni Abby.

Giit pa ni Jomari, sa daming pinagdaanan nilang dalawa, ang maganda raw, dumiretso ang buhay nila noong nagkasama sila.

“Isang bagay na na-discover ko kay Jom, surprisingly, his love of helping people. Hindi ko ito nakita noon sa kanya, kasi nga bata pa siya.

“Pero ‘yung heart is there. Hindi siya typical politician. ‘Yung pagmamahal niya sa tao, nandun talaga. Pinalaki si Jom ng parents niya na God fearing. Very religious si Jom,” papuri pa ni Abby sa dyowa niya.

Anyway, isa sa magandang nagawa ni Jomari sa Paranaque ay ang ordinansa na kung saan ay nagbibigay sila ng educational financial assistance sa mga estudyante na masipag mag-aral. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.