Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Lucky 77’ hari sa 2nd leg ng Super Circuit

0 195

NAMAYAGPAG mula sa 355 entries ng 7 Cock/Stag Open Series Super Circuit Derby second leg sa Talisay, Negros Occidental ang entry na ‘Lucky 77’ kung saan makakatanggap ang winning connection ng premyong P1.3 million.

Entry ng mga sabungetong sina Jomaine Junas, Marlon Guadalupe at Larry Estandarte, naka-perfect 7 points ang ‘Lucky 77’ sa torneo na ginanap noong Agosto 23-30.

Tumataginting na P28 million total guaranteed prize ang nakalaan para Super Circuit Derby festival sa buong 6-leg series.         

Samantala, runner-up sa second leg na may 6.5 points ang entry na ‘AJY Sept/ 14 Stag Derby’ ni Aljer Jay Yee Yec at ang ‘Bandits ALM’ ni Andrew Montelibano.


Kasunod ang mga panabong na ‘D’ Breaker/High Star’ ni J. Plana, ‘Red Wings PL BCC’ ni Patong Ledesma, ‘Dumsquared Warriors’ ni JM at Joel Dumdum, ‘God Save the Queen’ ni Julius at Ronald, ‘Brayo/Ubaners’ ni Bobby O. at Ubanon, ‘BF Gracie’ nina BF GF at Bong Lamoste, ‘Super Ale GJV’ nina Raul at Gerald Villanueva at ang ‘Wilfredo Suga’s CCJ Edris’, nanaig sa first leg noong Hulyo, na may tig-anim na puntos.


Ang entry na may pinakamataas na puntos matapos ang 6-leg series sa pangangasiwa ng Sabong International kasama ang Metro Third Breeders Association at NTC Group ay makakatanggap ng top prize na P5,000,000 habang ang runner-up ay magbubulsa ng P1 million.  


Dagdag pa rito, ang entry na may pinakamaraming kampeonato sa serye ang mag-uuwi ng P3 million, habang ang may highest pointer’s at gaffer ay makakakuha ng P700,000 at P300,000, ayon sa pagkakabanggit.


Gaganapin ang third leg ng torneo sa Setyembre 23-30 samantalang magtutuloy-tuloy ang natitirang serye hanggang Disyembre. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.