Una sa Balita

Lucio Tan kumita pa sa TRAIN Law

0 272

TUMIBA ang bilyonaryong si Lucio Tan sa negosyo niya sa tabako, isang taon matapos itaas ng gobyerno sa 17 % ang buwis sa sigarilyo sa ilalim ng Tax Reform for Acce­leration and Inclusion (TRAIN) Law.

Simula nang itaas ang buwis, nagmahal ang presyo ng mga dating mumurahing brand ng sigarilyo at halos pumantay na ito sa mga premium brand.

Sa unang anim na buwan ngayong taon, tumaas ng 14 % o 7.2 bilyong stick ang benta ng premium brand tulad ng Marlboro

Dahil dito, sumipa ng 20% ang kita ng LT Group Inc. ni Lucio Tan sa P5.9 bilyon sa unang kahala­ting taon, kumpara sa P4.9 bilyon sa parehong panahon noong 2018.

Umakyat din ng 20% ang profit ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation Inc. kung saan hawak ng LT Group Inc. ang 49.6% ng kompanya.

Ang 63% ng kita ng LT Group ay nangga­ling sa negosyo nila sa sigarilyo.

Gumagawa rin sila ng alak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy