Una sa Balita

Lucio tan, Gokongwei kinuyog sa ‘PALPAC’ seat sale

By
0 840

WALANG kakuwenta-kuwenta para sa mga netizen ang katatapos lang na seat sale ng Cebu Pacific ng mga Gokongwei at ng Philippine Airlines (PAL) ni Lucio Tan na pinagpuyatan pa ng iba kaya binansagan nila itong “PALPAC.”

“Mura papunta tapos sobrang mahal pabalik. Wala din,” tweet ni Ian Cruz. “PALPAC.”

Post naman ni Jhe Saddul sa Facebook page ng PAL, “Fake yan. For as low as 78 pesos walang ganon. One way Clark to Cauayan ng lang e economy super saver 861 pesos no baggage allowance so sarili mo na lang dala mo niyan sa flight…tapos next na dyan is economy saver 2,283 pesos, tas 10 kilos lang baggage allowance. Such a scam. Asan ang sale dyan.”

Sabi pa ni Crizz Quinn sa FB ng PAL, “People please don’t be fooled by Philippine Airlines. The promo to Tacloban from ­Manila that says 978 pesos is actually 2,500 pesos. PAL is spreading fake news.”

Tila frustrated naman si ­Anton Mar. Post niya sa FB ng Cebu Pacific, “Same old story, lahat ng seat sale naibigay na sa travel agency.”

Ganoon din ang obserbasyon ni Divina Mojos Romero. ­“Mabilis makuha ng mga tour agencies,” sabi niya.

Dinepensahan naman ni Chester Nazarette Trinidad ang seat sale ng Cebu Pacific. “It’s true,” sabi niya. “May 3 pesos base fare. I saw one going to BKK. 1200+ one way all in.”

Sabi naman ni Jot Arenas na tila bitter na, “3php if you can even access their website properly.”

Dahil sa kapalpakan ng seat sale ng dalawang airline, nag-post sa social media ang isang Wander Twins at binanggit sa kaakibat na meme na “PAL+CEBUPAC SEAT SALE= PALPAC. May Seat Sale Nga. PALPAC naman.”

Ang seat sale ng Cebu Pacific ay nagsimula noong Marso 1 at natapos ng Marso 2, habang ang PAL ay sumabay noong Marso 1 pero tatagal hanggang Marso 10.

Nagbabala naman ang Cebu Pacific sa mga pasahero laban sa mga naglalabasang fake website at promo sa inilabas na abiso noong Sabado ng gabi, Marso 2. Maaari umanong magamit ang data ng mga pasahero sa scam.

Wala pang sagot ang PAL sa reklamo ng mga pasahero. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy