Una sa Balita

Luc Longley bumanat kay Chot, SULSULERO!

By
0 2,071

INGINUSO ni assistant coach Luc Longley si Gilas head coach Chot Reyes bilang isa sa pasimuno sa nangyaring rambulan sa pagitan ng Gilas at Boomers.

“I do believe their coach, Chot Reyes incited them to come out and thug us,” mariing pahayag ni Longley sa media.

Nasaksihan ng three-time NBA champion na si Longley ang nangyari sa huddle ng Gilas nang sinabi ni coach Chot na ‘tamaan’ ang mga player ng Australia.

“Hit somebody, put somebody on their arse,” pahayag ni Chot sa video na kalat na sa social media.

Dinepensahan naman ito ni Reyes na sinabing basketball term umano ito para pantayan ang pisikal na laro ng mga Australyano.

Hindi naman ito bumenta kay Longley at idinagdag pa ang wala umanong respetong selfie ng beteranong si Marc Pingris na kanya ring ikanadismaya.

“I’m upset with him (Chot) more than anybody. To let his team take gangster selfies on the baseline after something like that, that shows a total lack of control and respect,” dagdag pa niya.