Una sa Balita

Lubog sa loan sa micro finance

By
0 1,599

Hi Attorney Claire, Gusto ko lang po itanong ang kalagayan ng nanay ko, madami siyang pinagkautangan na micro finance, pero hindi niya matapos-tapos bayaran. Ano pong puwede niyang gawin? Paano ‘pag hindi niya na talaga mabayaran kasi lugi na ang negosyo niya… makukulong po ba siya? Salamat in advance sa sagot niyo. Sana po mag-reply kayo sa email ko.

Thanky you,

Glecyrel

***

Dear Glecyrel,

Alamin mo muna kung ano ba ang klase ng transaksiyon ng na­nay mo sa mga lender niya. Noong umutang ang nanay mo ay may pinirmahan siyang kontrata. Sa kontrata natin malalaman kung ano ba ang maaaring obligasyon at lia­bility ng nanay mo.

Dahil kung utang lang ang hindi niya mababayaran ay civil case lamang ang maisasampa sa kanya at iyon ay walang kulong.

Kapag nanalo ang lender ay maaari lamang na kuhanin ng sheriff ang mga gamit niya upang ipasubasta at ang proceeds ng napagbentahan ay siyang­ gagamiting pambayad sa mga pinagkakauta­ngan niya.

Ngunit kung mapapa­tunayan ng mga pinagkautangan niya na modus operandi lamang ang ginagawa ng nanay­ mo upang umutang nang umutang nang walang balak ng pagbabayad o tatakbuhan ang obligasyon ay maaari siyang kasuhan ng panloloko o swindling. Kapag napatunayan ang panloloko ng nanay mo ay maaari siyang makulong.

Kung may mga tseke naman na ginawang co­llateral ang nanay mo ay tumalbog ay maaari siyang kasuhan ng estafa at violation of BP 22 (Bouncing Checks Law).
Kaya ang pinakama­buting gawin ng nanay mo ay piliting bayaran ang mga pinagkakautangan niya. Ang utang ay utang na dapat na bayaran.

Maaari rin siyang magsampa ng Petition for Voluntary Insolvency­ na ayon sa batas na mas kilala bilang AN ACT PROVIDING FOR THE REHABILITATION OR LIQUI­DATION OF FINANCIALLY DISTRESSED ENTERPRISES AND INDIVI­DUALS or RA 10142 para mahati-hati o maayos ng appointed rehabilitation receiver ang mga natitirang ari-arian ng nanay mo sa mga pinagkakautangan niya kapag nasang-ayunan ng korte ang petition niya.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy