Una sa Balita

LTO license renewal sa mall bukas tuwing Sabado

0 311

KAHIT araw ng Sabado ay maaaring nang mag-renew ng driver’s license sa mga accredited mall sa layuning mas mapadali ang ang pag-a-apply ng mga estudyante ng mga permit ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Sa isang memorandum circular na inisyu kamakailan, inuutos ng LTO sa lahat ng Driver’s License Renewal Office (DLRO) sa mga mall sa buong bansa na magbukas tuwing Sabado simula ngayong buwan.

“Upang ganap na mapakinabangan ang accessibility at availability ng aming mga serbisyo sa publiko sa mga mall, simula Hunyo 2019, ang lahat ng DLROs ay iniaatas na magpatakbo at magproseso ng mga aplikasyon para sa pag-renew ng mga lisensya sa pagmamaneho at mag-isyu ng mga students permit sa araw ng Sabado. Ito ang nilalaman ng memo na nilagdaan kamakailan ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante.

Magugunita na una nang naglabas ng isang memo ang LTO na nagpapahintulot ng pagre-renew ng driver’s license dalawang buwan or 60 araw in advance.

Para sa hassle-free transaction, ang sinumang aplikante ay puwedeng gumawa ng appointments sa pamamagitan ng online ng LTO Online Appointment and Scheduling System sa pamamagitan ng pag-log in sa www.lto.net.ph. (Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy