Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LTO employee timbog sa bentahan ng pekeng lisensya

0 167

Arestado sa entrapment operation ng mga pulis ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) matapos ireklamo ng dalawang biktima na hiningan nito ng pera kapalit ng pekeng lisensya.

Natimbog ng mga tauhan ng Candelaria police ang suspek na si Jose Manalo Campos Jr., 67, taga-Brgy. Isabang, Tayabas, at Liaison Officer ng LTO-Lucena City district office, sa entrapment operation sa Barangay Bukal Sur, sa naturang bayan, Miyerkules ng gabi.

Si Campos ay inireklamo ng mga suspek na sina Rannie Samonte Penuela at Noel Arellano Resurreccion, parehong taga-Candelaria matapos umano silang hingan ng tig P5,000.00 para sa kanilang professional drivers license. Pero napag-alamang peke ang lisensyang ibinigay ng suspek.

Agad nagkasa ng operasyon ang mga pulis kung saan naaresto ang suspek matapos tanggapin ang boodle money.

Nakakulong na ito sa Candelaria Municipal police station at nakatakdang kasuhan. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.