Una sa Balita

LTFRB wala pang hatol sa Angkas

0 235

WALA pang desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung patuloy na pahihintulutan ang operasyon ng Angkas pagkatapos ng anim na buwang pilot test.

Ito’y dahil sa Disyembre 26 papatak ang huling araw ng pilot test, ibig sabihin ay may dalawang linggo pa sila para ipasa ang safety metrics na itinakda ng technical working group na siyang tumututok sa operasyon ng Angkas.

Umaasa naman LTFRB na palalawigin pa ng Department of Transportation (DOTr) ang operasyon ng ‘Angkas’, kasama ang anim na bagong ‘ride hailing provider’.

Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, ang ‘technical working group’ ay nagpulong nitong Nobyembre 20, kung saan may anim na bagong ‘ride hailing provider’ ang nais na pumasok sa merkado.

“Meron po kaming na-receive from the DOTR na six providers na nag-submit ng kanilang proposals. We are already undergoing evaluation on the six, para makapasok din sila sa pilot testing,” ani Bolano.

“With the end of pilot testing of Angkas, after the evaluation of the six months and of the new players, we will submit the recommendation of the TWG (technical working group) to the DOTR next week, before the end of Dec. 26, hoping it will continue with the pilot testing to include the new players,” paliwanag pa ng opisyal ng LTFRB.

Nitong nakaraang araw ay nag-trending sa social media ang #SaveAngkas nang malaman na malapit nang matapos ang anim na buwang ‘pilot run’ nito ngayong Disyembre 26.

Magugunitang nagsimula ang ‘pilot run’ nitong Hunyo, upang bigyan umano ng DOTr ng sapat na panahon ang TWG na pag-aralan ang legali­sasyon ng app’s ride-sharing service. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy