Una sa Balita

LTFRB sa bulok at mausok na jeep: Sumunod para walang huli

By ,
0 2,202

Para hindi mahuli sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga bulok at mausok na sasakyan, hinimok ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member  a ang mga jeepney driver at operator na sumunod na lamang sa limang ‘major rules and regulations’.

Inisa-isa ni Lizada ang kanilang mga panuntunan upang hindi mapabilang ang isang sasakyan sa mga mahuhuli sa ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’ campaign.

Una, lahat ng mga gulong ay nasa maayos­ na kondisyon. Panga­lawa, maayos ang lahat ng mga ilaw ng sasakyan. Pangatlo, hindi mausok o emission compliant; Ika­apat, maayos ang preno. Pang­lima, dapat na la­ging maayos ang kasuotan ng drayber na hindi nakatsinelas at sando lang habang nagmamaneho.

“Gawin nila ‘yan tiyak wala tayong problema sa hulihan,” ani Liza­da.