Una sa Balita

LTFRB nagbabala sa mga tsuper: Wala pang fare hike

By
0 1,212

NILINAW kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala pa silang inaprubahan na fare hike sa transport sector.

Ayon kay LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, patuloy nilang pinag-aaralan ang fare hike petition ng lahat ng mga transport group.
“Tinitimbang namin kung dapat na ba o kaya pa kahit walang fare increase,” pahayag ni Lizada.

Aminado si Lizada na sa kanilang inisyal na pag-iikot ay lumalabas na kakayanin pa kahit walang ipatupad na fare hike, patunay anya dito ang naobserbahan nila na may ilang jeepney driver ang hindi sinusunod ang fare matrix at nag-a-undercharge o mababa ang singil sa pasahe.

Abante Hiring – IT dep

“Kung kinakaya nila na mag-undercharge ay baka dahil hindi pa talaga kailangan na magtaas ng pasahe,” sabi ni Lizada.

Gayunpaman nilinaw ni Lizada na hindi nila tinutulugan ang fare hike petition na nakabinbin sa kanila na inihain ng mga UV express, jeepney, taxi, bus at Transport Network Vehicle Service (TNVS).