Una sa Balita

LTFRB lumambot sa P2P UV express, diyalogo kinasa

0 308

Bukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isang konsultasyon sa hanay ng mga transport group kaugnay sa kontrobersyal na Memorandum Circular 2019-025 o mas kilala bilang Point to Point (P2P) policy sa mga UV Express.

Kaugnay nito, ikinagalak ni Atty. Ariel­ Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters­ Safety and Protection, ang pagiging bukas ng LTFRB sa isang dayalo­go sa mga transport group.

Ayon kay Inton, positibo ang kanilang pananaw sa ipinakikitang hakbang ngayon­ ng pamunuan ng nasabing ahensya ng matanggap ang mensahe mula kay LTFRB Chairman Martin Delgra hinggil sa pagiging bukas nito sa mga serye ng public consultation sa hanay ng mga transport group na sakop ng nasabing polisiya.

Aniya, dapat talagang­ pag-aralan muna ng mabuti ng LTFRB ang mga ipinala­labas na mga panuntunan bago ito biglaang ipatupad dahilan sa may ilang polisiya ang LTFRB na hindi katanggap-tanggap hindi lamang sa mga driver at operator kundi ma­ging sa mga commuter.

Tiwala si Inton na sa pamamagitan ng mga isasagawang patawag na konsultasyon ay mas maliliwanagan ang LTFRB kung dapat o hindi dapat ipatupad ang kanilang mga ipinalalabas na polisiya. (Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy