Una sa Balita

LTdF: Perez kumasang sumegunda sa Aussie

0 260

Nagpakitang gilas ang mga Pinoy rider sa Stage 3 ng 10th Le Tour de Filipinas 2019 na nagsimula sa Bagasbas Beach sa Daet, Camarines Norte at natapos sa harapan ng Jollibee, Rizal Avenue sa Legazpi City, Albay Linggo.

Kumakasang sumegundo si Sto. Tomas, Pangasinan native Do­minic Perez ng 7Eleven Cliqq-Air21 habang tumersero si Celeste Cycles pedalpusher Mark Galedo sa 183.7-km event na pinagwagian ni Australian Samuel Hill ng Nero Bianchi.

Pumang-siyam lang na tumawid si Philippine National Team rider Jan Paul Morales.

Pero ‘di pa rin sapat ang pinakitang tikas ng tatlong Pinoy, ‘di pa rin sila nakapasok sa top 10 ng general classification sa five-stage Category 2.2 event international cycling marathon na i­norganina ng Ube Media, Inc. sa pangunguna ni Donna May Lina.

Nanatiling hawak ni Stage 1 winner Dutch Jeroen Meijers ng Tayuan Miogee Cycling Team ang Air21 Purple Jersey tapos ang likom ng 12 oras, 34 minuto at anim na segundo.

Nilista ni Perez ang tiyempong apat na oras, 34 minuto at tatlong segundo, lamang lang ng 51 seconds si Hill habang naitala ni Galedo ang 4:34.06.

“Sa huling 12 kilometro kumalas na siya, (Hill) pinilit naming habulin pero ang bilis­ niya kaya nakalayo siya,” kuwento ni Perez.

Muli namang sumampa sa No. 10 ng GC si Marcelo Felipe ng 7Eleven Cliqq-Air21, may kabuuang 12:36.42, dalawang minuto at 36 segundong abante iwan kayMeijers.

Nasa No. 2 ng GC si Singaporean rider Goh Chun Huat ng Terengganu Inc. TSG Cycling Team (12:34,31) habang pangatlo si Angus Lyons ng Oliver­ Real Food Racing (12:35,44). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy