Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LSI pwede sa Iloilo kahit walang swab test

0 107

Makapapasok na sa Iloilo CIty ang mga locally stranded individual (LSI) kahit pa hindi sumailalim ang mga ito sa RT-PCR testing o swab test para sa COVID-19.

Ito’y base sa inisyung EO 165 ni Mayor Jerry Treñas kung saan inalis na nito ang swab test sa mga uuwing nanggaling sa mga low-risk area.

Saad ng alkalde, nirebyu ng kanilang COVID team ang alituntunin ng Department of Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng nasabing protocol para sa mga LSI, at uuwing overseas Filipino worker.

Nakasaad sa EP na kailangang makipag-ugnayan muna ang mga uuwi sa Iloilo sa kanilang Emergency Operations Center (EOC) sa pamamagitan ng ‘notice of coordination’, kung saan ilalagay dito kung may susundo ba sa kanilang pribadong sasakyan sa oras na dumating sa siyudad.

Kahit walang swab test, sasailalim pa rin ang mga uuwing LSI at OFW sa 14-day quarantine, na pwedeng gawin sa kanilang tahanan o sa isolation facility ng local government.

Maaari din namang piliin ng mga LSI na sumailalim sa swab test, na kapag nagnegatibo ang resulta ay awtomatikong hindi na kakailanganin mag-quarantine ng 14 araw. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.