Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LSI bawal bentahan ng plane ticket kung ‘di aprub ng LGU

0 309

Umapela si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa mga airline na huwag muna magbebenta ng flight ticket sa mga pasahero para maiwasan ang pagdagsa ng Locally Stranded Individuals (LSI) sa mga paliparan kung hindi pa tiyak na papayagang ng pamahalaang lokal ang paglapag ng kanilang eroplano.

Sinabi ni Año na ang pagtutol ng mga Local Government Units (LGUs) ang dahilan ng pagdagsa ng LSI sa mga paliparan kapag nalaman na kanselado ang kanilang flights.

“Yung mga airlines na nagbebenta ng ticket, pinapaalalahanan natin na hangga’t hindi naman sigurado ang mga flights ninyo ay huwag kayong magbenta ng ticket kung hindi naman sigurado kung may flight,” ayon sa kalihim.

(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.