Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LSI ban sa Cebu, Negros pinalawig

0 146

Pinalawig hanggang September 23 ang travel ban ng mga locally stranded individual (LSI) mula Bato Port sa Samboan, Cebu hanggang Tampi Port sa Amlan, Negros Oriental.

Ayon sa Negros Oriental Provincial Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, kailangan pang hintaying maalis ang travel ban sa Samboan bago makapasok ang mga taga-Negros dahil sa pagdami ng bilang ng mga nagkakasakit ng coronavirus disease sa Cebu.

Ang ilang LGU naman sa Negros Oriental ay hindi rin pinapapasok ang mga LSI mula Cebu na na-stranded sa Bato Port dahil sa posibilidad ding magdala ng virus. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.