Una sa Balita

LRT nangamoy usok, mga pasahero nag-panic

By
0 48

Daan-daang mga pasahero ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 ang nag-panic nang makaamoy ng umuusok na wiring sa loob ng isang tren nito sa kalagitnaan ng Monumento Station southbound sa Caloocan City dakong alas-otso ng umaga kahapon.

Ayon kay Rod Bulario, operation director ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), isang pasahero ang nakaamoy ng umuusok na wiring kaya’t nag-panic ang iba pang sakay hanggang sa hinila nila ang emergency lever o button na nakalagay sa itaas ng pintuan kaya bumukas ang mga pinto ng tren.

Ginagamit ang emergency lever o button sakaling kailangang pahintuin ang tren kapag may ma­tinding sakuna.

Makalipas ang ilang minuto ay naibalik din sa normal ang mga biyahe ng LRT. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy