Una sa Balita

LRT may surprise gift sa Father’s Day

0 248

By Armida Rico

MAYROON surprise gift ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga haligi ng tahanan sa pagdiriwang ng Father’s Day ngayong araw, Hunyo 16.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), pagkakalooban nila ng father’s treat ang mga tatay na sasakay sa Recto, Santolan at Cubao stations ng LRT-2, mula alas-nuwebe nang umaga hanggang alas-12:00 nang tanghali.

Sinabi ng LRTA, magpapamahagi rin naman sila ng sorpresang regalo para sa mga ama mula alas-tres nang hapon hanggang alas-sais nang gabi sa Cubao station ng LRT-2.

“SURPRISE: Do something different this Father’s Day. On Sunday, June 16, treat Daddies to a ride fit for a king at LRT-2 as LRTA fills this day with heartwarming melodies, quotes, and gifts—all for our great Fathers. See you there! Happy Father’s Day!” pahayag ng LRTA.

“Surprise gifts will be given to Dads boarding LRT 2…” anunsiyo pa nito.
Nais ng LRTA na makiisa sa pagdiriwang ng mga tatay bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga ito sa pangangalaga sa kanilang pamilya, gayundin sa lipunan.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Claro M. Recto Ave. sa Maynila at Santolan sa Pasig City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy