Una sa Balita

LRT extension sa Navotas isasalang sa 18th Congress

0 197

Isasalang sa first reading ng 18th Congress ang panukalang batas kaugnay sa pagkakaroon ng extension ng Manila Light Railway Transit System Line mula Monumento, Caloocan City hanggang sa Navotas.

Ayon sa main author na si Navotas Representative John Rey Tiangco, umaasa ito na papasa sa ­unang pagbasa ang kanyang panukalang House Bill 876 , para paglaanan ng budget ang extension ng LRT sa Monumento Station hanggang Navotas.

Sabi ng mambabatas, ang proyektong ito ang magdadala ng mas maraming oportunidad sa mga Navoteño na makapagtrabaho sa ibang parte ng Metro Manila o makapag-enganyo sa mga residente ng ibang lungsod na magkaroon ng hanapbuhay sa Navotas.

“Libo-libong mamimili ang pumupunta sa fish port araw-araw. Libo rin ang pumupunta para magtrabaho rito o sa mga karatig na establisyimento at pasilidad, o ibang negosyo,” sabi ng solon.

“Mahalagang magkaroon ng mass transport system na magpapagaan ng paglalakbay ng mga residente at ‘di residente papunta at pabalik ng Navotas, lalo na sa fish port complex,” dagdag pa nito.

Ang Navotas ay tahanan ng nangungunang fish center sa Pilipinas at pinakamalaking fish port complex sa Southeast Asia, kung saan dumadaong­ ang malalaking commercial fishing vessels at nagbababa ng nasa 300 toneladang isda at lamang dagat.

Isa si Rep. Tiangco na bagitong miyembro ng 18th Congress. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy