Una sa Balita

LRT-1 humirit ng 5-7 dagdag pasahe

By
0 1,647

NAPAPANAHON na umano upang magtaas ng pasahe ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 dahil halos wala na itong kinikita at kailangang mapunan ang patuloy na pagtaas ng kanilang operating expenses.

Nabatid sa fare hike petition na isinumite ng LRMC sa Department of Transportation, humihingi ito ng dagdag na P5-P7 pasahe sa LRT-1.

Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) president at chief executive officer Juan Alfonso, nagtaasan na ang gastos sa operasyon ng mga tren pero hindi pa rin sila nagtataas ng pasahe ang LRT-1 simula nang hawakan nila ang kompanya noong 2015.

“For four years na ho, wala kaming rate increase… Nag-increase ho bago pa na-privatize ‘yung LRMC. Nu’ng naging LRMC na po, wala pa po kaming fare increase. Ang laki ho ng interest na ginagastos habang hindi pa siya ginagamit. Kailangan namin ho ma-service ‘yung utang namin,” ayon kay Alfonso.

Nag-abiso na umano sila noong Marso ng pagtaas sa singil sa pa­sahero pero pinahinto ni Senador Grace Poe dahil nais nitong dahan-dahanin ang pagtataas bunsod na rin ng sunod-sunod na pag-angat ng gastusin sanhi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.