Una sa Balita

LRT 1 at 2, MRT-3 handa na bukas

By
0 664

HANDANG-HANDA nang pumasada bukas ang mga tren ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 gayundin ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos ang matin­ding repair and maintenance mula noong Miyerkoles Santo hanggang Pasko ng Pagkabuhay.

Kabilang sa mga isinailalim sa maintenance ay ang mga bagon ng tren, mga riles, electrical system at iba pang mga pasilidad sa bawat istasyon ng LRT at MRT maging ang mga escalator, ele­vator at comfort room.

Layunin nito na matiyak na magiging maayos na ang lahat sa muling pagpasada ng mga tren ng LRT at MRT bukas matapos ang pagkukumpuni sa lahat ng mga tren.

Ang LRT-1 ay bumibiyahe mula Bacla­ran hanggang Roosevelt station sa Quezon City habang ang LRT-2 naman ay sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila hanggang Santolan sa Marikina at ang MRT-3 mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft A­venue sa Pasay City.