Una sa Balita

LRT-1, 2; MRT-3, PNR balik operasyon

0 218

BALIK operasyon na ang mga tren sa Metro Manila matapos suspendehin ang biyahe kamakalawa nang gabi kasunod ng naganap na magnitude 6.1 lindol sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon.

Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communications Goddess Hope Libiran na base umano sa advice ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na itigil ang lahat ng operasyon ng mga tren kabilang na ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).

Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero kaya hindi muna sila pinasakay kasabay ng pag-alalay ng mga inilaang bus na bibiyahe sa EDSA na sasalo sa mga bumabang pasahero ng tren.(Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy