Una sa Balita

LRT-1, 2, MRT-3 bukas sa Undas

By
0 200

BUKAS ang lahat ng biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa araw ng pagbisita sa mga mahal na namayapa o sa araw ng Undas.

Sa LRT-1, ang unang biyahe ay magsisimula bandang alas-4:30 ng umaga mula Roosevelt hanggang Baclaran station, vice versa at magsasara bandang alas-10:15 ng gabi sa Roosevelt station habang alas-10:00 ng gabi naman sa Baclaran.

Sa LRT-2 naman, ang unang biyahe mula sa Recto station ay alas-4:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng gabi habang sa Santolan station ay alas-4:30 ng umaga hanggang alas-10:00 naman ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), regular ang oras ng pagbiyahe ng mga tren ng MRT-3 nga­yong Huwebes at Biyernes o sa araw ng Undas mula alas-5:30 hanggang alas-10:30 ng gabi mula North at Taft Avenue stations.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy