Una sa Balita

LPC stagfest: Round 2 na

0 229

IKALAWANG round ng “30th Anniversary 5-Stag Derby” ng Las Piñas Coliseum ang sisiyapol ngayon, Huwebes, Sept. 12, kasali ang 50 bagong sultador.

Nakalinya ang 2-stag elims at isang puntos ang kailangan upang makapasok sa 3-stag finals sa Sept. 15 (puwede ang straight five stags).

Paderbi ni Mayor Nene Aguilar ang tatlong araw na stagfest na sinimulan noong Lunes at pitong kalahok ang may 2-0 (panalo-talo).

Sila ay sina Onie Tan (Magninong), Fiel Ansane (1925 Fas), Dennis Aguilar (D and D), Levis Himpiasao (San Miguel), Alex Tobias (Las Piñas 4-Stag Oct. 16), Larry Alvarado (Larry Bird) at R. Capton (Capton).

Marami ang magpapasok ng straight five stags sa Linggo, Sept. 15 (grand finals) kaya nasisiguro ang 90 hanggang 100 sultada.

“Only locally-banded stags of International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) and Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB, Inc.-Digmaan) will be accepted,” ani Mayor Aguilar. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy