Una sa Balita

LPC anniversary derby ngayon

0 226

ISA pang malakas na stagfest ang bibira sa air-conditioned Las Piñas Coliseum, ang “30th Anniversary 5-Stag Derby” ngayong Lunes, Sept. 9.

Katatapos lang ng dinumog na “AAO Big Event 6-Stag Derby” na may 162 sultada nitong Sabado, Sept. 7.

Sasagupa ang mga kalahok sa 2-stag elims ngayon at dapat umiskor ng isa o higit pang puntos upang makasali sa 3-stag finals sa Sept. 15, na puwede rin ang straight five stags.

Sasalang ang ikalawang grupo sa Huwebes, Sept. 12.

Garantisado ang P850,000 prizes at may entry fee na P11,000 ang pasabong na ito ni Mayor Nene Aguilar.

Tanging locally-banded stags ng International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) at Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB,Inc.-Digmaan) ang puwede mga isagupa.

Si coliseum manager Alex Tobias naman ang host ng “Alexander 4-Stag Derby” sa Oct. 16. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy