Una sa Balita

LPC: 140 sultada ngayon

0 216

DADAYO ang mga sabu­ngero sa air-conditioned Las Piñas Coliseum para sa ‘Bos Alex Summertime 4-Cock Derby’ na may 140 sultada ngayon, Miyerkoles, April 24.

Aabot sa P400,000 ang premyo dahil sa dami ng entries, ani coliseum manager Alex Tobias, derby host.

Maagang sisimulan ang laban (walong sultada kada oras) at siguradong ikakasa lahat ng parada, ani LPC llamador Cris Villanueva.

Bukod sa air-con units sa 80 cockhouses at aircon sa loob ng sabungan, ang LPC ay mayroon ding three-level parking area; (200 kotse).

Pambato rin ng LPC: Silver Mallet and Boss Raymond 2-Cock Derby sa May 8 (Jojo Marquez at Raymond Montalbo) at ‘Mam Budjit 3-Cock Derby’ sa May 29.

Kontakin lamang ang 873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy