Una sa Balita

LPC 100 sultada ni Aguilar

0 1,699

INIHAYAG kahapon ng Las Piñas Coliseum ang inaasahang 100 sultada sa ‘Payanig Sa Masa 5-Cock Derby’ grand finals sa Miyerkoles, Abril 4.

Mahigit 30 ang qualifiers sa 3-cock finals at 25 naman ang magpapasok ng straight five cocks.

“Eksaktong ala-una ng hapon ang umpisa sa Miyerkoles,” ani LPC llamador Cris Villanueva.

Taya ang P800,000 habang P7,700 ang entry fee sa pasabong na ito ni Mayor Nene Aguilar.

Samantala, kasado na rin sa LPC ang Boss A 4-Cock Derby sa Abril 25, ang pasabong ni LPC general manager Alex Tobias. Ang entry fee ay P6,600 lamang.

Sa detalye: 873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) at 0915-3582076 (Julius).