Una sa Balita

LPA tatama sa Luzon, Visayas

By
0 3

Isa pang namumuong sama ng panahon ang binabantayan ngayon Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay Gener Quitlong, weather forecaster, huling namataan ang LPA sa layong 420 kilometers sa silangan hilagang silangan ng Catanduanes, na kasalukuyan na karagatan pa.

Hinahatak ng LPA ang hanging Habagat na patuloy na nagdadala ng ulan sa katimugang Luzon at kabuuan ng Visayas na direktang tatamaan nito na  inaasahang makakaranas ng katamtaman o minsan ay malalakas na pag-ulan na maaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Abante Hiring – IT dep

Pinagiingat din ng Pagasa ang mga residente sa bahagi ng Mimaropa, Bicol, Easten Visayas o Negros Island dahil sa mga pag-ulan.

Ang mga nalalabing bahagi ng Luzon, kasama ang Metro Manila, ganon din ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magiging makulimlim ang kalangitan na maaring magdulot ng mga pagkulog at pagkidlat.