Una sa Balita

LPA sa Visayas nalusaw

0 203

Nalusaw na ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa sa bahagi ng Visayas.

Batay sa inilabas na 4:00 am weather update ng nabanggit na ahensya, ang umiiral ngayong panahon sa Silangang bahagi ng Luzon at Visayas ay frontal system habang sa kanlurang bahagi ng bansan ay nakararanas ng southwesterly windflow.

Bunga ng nasabing kondisyon ng panahon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Cagayan Valley, Bicol Region mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
Sa Metro Manila naman ay mainit ngunit maaliwalas na panahon pa rin ang mararanasan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy