Una sa Balita

LPA sa E. Samar nagdudulot ng pag-ulan

By
0 4

Nagdudulot na ng mga pag-ulan ang low pressure area (LPA) o namumuong sama ng panahon na pumasok kahapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dakong alas-10:00 ng umaga kahapon nang huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang LPA sa layong 925 kilometro ng silangan-hilagang-silangan ng Eastern Samar.

Inaasahan ng PAGASA na mabubuo bilang tropical depression ang LPA sa susunod na 24-oras.

Ayon pa sa PAGASA, magiging maulap ang kalangitan na may kasamang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan at thunderstorm sa Bicol region gayundin sa mga lalawigan ng Isabela, Aurora, Quezon at Palawan.

Kahapon ay nagpa­labas ang PAGASA ng ilang babala ng thunderstorm sa ilang lugar sa Luzon, Visayas, Min­danao at sa Metro Manila.