LPA sa Davao ramdam hanggang Luzon, Visayas

Ramdam hanggang sa Southern Tagalog, Bicol region, Visayas at iba pang bahagi ng Mindanao ang epekto ng umiiral na low pressure area (LPA) at intertropical convergence zone (ITCZ) sa Davao City.

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 240 km sa silangan ng Davao City.
Nabatid kay PAGASA forecaster Shelly Ignacio na sa kabila ng umiiral na LPA, malabo naman itong maging isang ganap na bagyo. GAyunman ay magdudulot ito ng pag-ulan hanggang sa mga susunod na araw.