Una sa Balita

LPA pasok na sa Pilipinas

By
0 168

Nasa loob na ng Phi­lippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.

Ayon sa huling pagmo-monitor ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 685 kilometro ng Silangan ng Hinatuan City, Surigao del Sur.

Gayunman, sinabi ni Lorie dela Cruz, weather forecaster ng PAGASA na bagama’t maliit pa ang posibilidad nito na maging bagyo, patuloy pa rin itong tututukan ng kanilang ahensya para mabigyan ng babala ang publiko kung sakaling ito ay tatama sa lupa.

Ngunit kung sakaling lalakas at magiging isang tropical depression habang ito ay nasa loob ng karagatang sakop ng bansa ay papangalanan itong “Odette.” 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More